tatlong taong patay sinding pasakit… sa wakas

minsan

masarap

bumalik sa nakaraan

minsan masarap hanapin

yung mga kasagutan

sa naiwang bakas ng karahasan…

di mo matutunton ang sagot at rason, kapag di tayo natuto sa kahapon. di maaring lumipad ang isang ibon na hindi muna dadapo sa isang puno.lahat ng ngayon, ay may kahapon, lahat ng luha ay may tuwa, sang libo man ang pasakit na tahakin, may ngiti pa ring nakaabang sa bandang hulihan.

ang ilaw na lumalagablab noong una mong natikman ang sarap, ay siya ring ilaw na papaso sa iyo upang iyong matikman ang sakit ng karahasan, sa bawat buhay na mawawala,isang malungkot na alaala ang iyong madadala. ubusin man luha, mapuno man ng latay at sa sakit maratay ang alaalang mapait ay marka na pang habang buhay.

kaya mong magtiis dahil sa salitang pag-ibig, pero ang alaalang kaypait na dulot ng salitang matamis ay delubyo na lalamon sa buo mong pagkatao.hindi na nga tayo nagkita, hindi na kita nahawakan, at kahit papano dahil don naunawaan ko ang kapayapaan.

sa buhay na iyong sinilang, sana ang alaala nating mapait iyong malimutan, at ang buo kong pagkatao ay tuluyan nang makalipad sa kalayaan. sa wakas sana matunton ko rin ang iyong kaligayahan…

at sa bawat yapak ng ngayon

dadalhin ko ang iyong mga luha

mga pangako

at ang pag-ibig na nabigo….

sa wakas

lalaya na ako.

-darkmau-

Malaya!

-para sa tatlong taong pakikibaka sa sarili kong mundo mula sa iyong yakap at halik-

Leave a Reply