tunggalian
Monday, March 13th, 2006ako ay nabuhay sa isang magulong mundo ng pakikibaka ng katinuan at kabaliwan, tulad rin ng karamihan na pilit tinatakasan ang katotohanan ng panahon. pilit nag aaklas upang makatuklas ng tunay na lunas sa nagbabadyang kadiliman, pilit nagpupumiglas upang makamtan ang kalayaang sa himpapawid lamang matatagpuan. naglalakbay sa kahabaan ng kasalukuyan, natuklasang umibig, natuklasang masilo at masaktan, naranasang lumuha dahil sa mapait na kahapon na pilit takasan di naman makayanan na iwaglit sa alaala, tila ulan at hangin na pulit ulit kang paluluhain at ibabaon sa lumbay.sa isang iiglap ang buo mong natutunan na katotohanan ay isa palang dibuho ng imahenasyon na dulot ng magulong isipan, na tinalo ng kahinaan ng kalooban. parang minsan sa kahapon ng kamusmusan na nagmamadaling tumakbo upang umabot sa panahon katandaan upang matanto lamang ang malupit na pagsisi na bumalik sa panahon ng pagiging inosente. ako ay nabuhay sa katotohan ng propesiya na ang pinagmulan ng buhay ay mula sa kawalan, at muling babalik sa kawalan. sa kasalukuyang panahon na ang taon ay magiging buwan, ang buwan ay magiging linggo, at ang linggo ay magiging araw, at ang araw ay migiging oras at ang oras ay isang pitik ng liwanag na di na natin maabutan. ang buhay…mula sa kawalan patungo sa kalawakan ng kahulugan.
darkmau
MALAYA!