sa mundo niyang maliit

di tulad ng pag-ibig nyang malawak

ang mundo niya ay nawawasak

sa bawat araw, luha ang pumapatak.

at sa bawat kataga, punlo’y nakatarak.

pag-ibig na dakila, kaniyang inaalay

taos puso at pang habang buhay,

ngunit sa isang taong hindi pala tunay.

ang inakala nyang tuwa, ay isa palang lumbay.

hindi niya akalain, na kahit sa sakit

ay nakaya niya pang pumikit.

at sa maliit niyang mundo mamilipit.

isang tunay na pag-ibig kaniyang palaging sambit.

ang galit at poot sa puso nakimkim

parang ulap na kulimlim

naghihintay sa kidlat, upang ulan ay lumabas

at sa pananahimik tuluyang mag aklas.

ngunit sa mundo niyang maliit,

hindi niya maipilit

na itama ang mali…

at sa ngiti pilit niya itong kinukubli.

-naghihimutok sa gitna ng kawalan…nagmamakaawa na bumalik ang katinuan-

mau

MALAYA!

Leave a Reply