acido
tinik sa lalamunan
umagang walang katapusan
puyatang walang hanggan
sa delubyo ng kawalan.
di na mahanap
di na mahagilap
napawi na ng ulap
tuluyan na nga yatang lumisan
kasabay sa pagtigil ng ulan.
sabay na hinagkan
pagtatapos ng kadiliman
sa malayang espasyo
doon lamang patungo,
sa maluwang na kalawakan
at walang hanggang kaligayahan
sa matamis na pag ibig at kahapong kay pait
isang tagay
upang mailagay.
ang oras na humihinto
upang hintayin ang pag tigil ng pagpaso
ng likidong tinawatawag na asido.
mau
Malaya!
November 21st, 2006 at 1:09 pm
poison yun! *wink*