chuckie and chippy sa labas ng SPC
gabi na noon, di ako mapakali pumunta ako sa aking nagiisang shock absorber ang part time sensitive kong bestfriend si carle. sabi ko "tor wala na" sabi nya "unsa imo plano?"(ano ang plano mo?). tahimik akong yumuko at luluha na sana, ng maalala ko na pag umiyak ako, isusumpa ko ang buong buhay ko dahil aaraw arawin ako ng kantiyaw ng walang hiya kong kaibigan. so sabi ko sa kanya puntahan na lang natin sa labas ng kanyang dorm baka sakali may pag asa pa. nung time na yun medyo desperado na ako, bad trip lang wala akong kotse non, kaya wala akong choice kundi ang maging mabait kay carle dahil sya ang may wheels(si IPIT the XRM motorcycle). so dumaan kami sa may convenience store para bumili ng aming paboritong chippy(yung blue) at chuckie(alam niyo na yun kung ano si chuckie), piatos yung cheese at siempre isang kahang marlboro lights na gold. tapos dumiretso kami sa labas ng dorm niya(kung nagbabasa ka ngayon, oo ikaw yun), it was about 11pm naka uniform pa ko ng opisina si carle naman parang rugby boy ang porma dahil matutulog na sana siya nung ginulo ko siya. so in short para kaming manghaharana si carle ang kakanta at ako yung manager. tinext ko siya ng ilang beses(di ko maalala yung messages, pero alam ko naiiyak na ako nun) tinawagan ko siya ng ilang beses(oo alam ko praning ako) di sya sumagot at di sya nagparamdam, so ang ginawa namin ni carle kumain kami sa labas ng dorm niya, kala niya mawawalan kami ng gana sa ginawa niya, hindi noh. makalipas ang 2 chuckie, dalawang chippy at isang piatos, at 7 sticks ng yosi kumaway ako sa balcony para magpaalam at sumibat na kami ni carle. mag aala una na yun and to think of andaming dumadaaan dahil hospital road yun, so kung makikita mo kami ni carle, ang scenario eh ako yung pasahero at si carle ay yung colorum na pumapasadang motor. sabi ko kay carle wala na talaga. so sumibat na kami.
after few months or so, ewan sa di ko maintindihan ang pagkakataon nagtext ako o nagtext sya, okay ang texting session namin kahit may mga iniinterview ako sa area eh tuloy pa rin ang pag pindot ko sa keypad. di ko alam kung bakit ganon ang scenario, parang walang nangyari tuloy lang ang lahat. tapos naputol na nanaman ang communication. ewan siguro ganon talaga pag busy yung isa tapos yung isa naghahabol para lang makasama siya.
ilang buwan pa ang lumipas, kumupas na yung coloured hair ko. balik ulit sa itim , nag resign na ako sa mindanao land, muli kaming nagkausap, text ulit, ok nanaman kami, yun pala akala lang namin yun. bigla nanaman siyang nawala, may topak talaga siya. undecided palagi siya sa gusto niya. oo napapagod na ako sa kakahithit at kakabuga ng yosi para lang makapag isip kung san ba kami papunta. mahigit isang taon na ganon ang takbo.
tapos isang buwan na naman ang lumipas, im currently bumming around and i was getting good at it, tapos si carle was getting serious sa kanyang pagdedeejay(plus iba pang activities, for more info ask miel) tapos ayun nasa manila siya ng rereview para sa exam niya, ako naman si gago biglang nabuhayan ng dugo, hayyy eto nanaman po kami. ROLLERCOASTER talaga ang aming takbo, naglalaro, nagsasayaw sa choices. oo at hindi ang hirap sagutin, isang bagay na palaging nabibitin.
tapos umo oo siya, pero di naman kami nagkikita(so parang wala) buti libre ang mga tawag sa PLDT unlimited blah blah.. pero tulad ng inaasahan mula pa nung umpisa wala kaming pupuntahan. bumitaw siya sa panahong sobra ko siyang kailangan.sabi ko na nga ba dapat tumigil na ako nung nagpicnic kami sa labas ng dorm niya. hayy.
pero ang tanong bakit ko sinulat ito? sagot, dahil nakakain na naman ako ng blue na chippy naalala ko si carle, yung motor at ang katapusan nung umpisa. hohum… tutulog muna ako.(may kanta si carle about geojoes and pirata bar and many more)
-para kay carle salamat sa escapades TOR!memories are forever… awooo!
mau
MALAYA!