untitled
"sa panaginip lang… tanging wala kang kapantay"
- POT-
nakakulong sa loob ng isipan
na ayaw magpalaya
puso’y nabahidan
ng kung anong kasamaan.
umaasa sa bukas
sa hindi malaman na landas,
pilit umiiwas
upang sa di umatras.
ngunit laging nabibitin
mga dalangin sa hangin,
ang haplos at halik
na hahanap hanapin.
parang ulan
sa isipan…
luha nagbabaha
sa di malamang dahilan.
sa isang patalim
pipilitin mong kumapit
upang iyong makamit
kahit kamay masugatan,
maabot lamang ang patutunguhan…
mau
MALAYA!
-maglaro tayo sa kawalan-