dito
dito sa malaya kong mundo
nakakubli ang isang libong demonyo
dito sa tahimik kong paraiso
nagiinuman ang mga multo at anino.
sa isang lugar ng kawalan
sa panahong walang katapusan
digmaan na walang hanggan
buhay na di tiyak ang paroroonan.
pero dito sa tahimik kong mundo
dito kita itatago,
ilalayo…
sa minyon at dilubyo.
dito sa aking mundo,
isasama kita, sa tahimik na paraiso.
at dito mo makikita,
ang buo kong pagkatao… hindi perpekto.
darkmau
MALAYA!
-huwag niyo akong tignan na para bang kilala niyo ang buo kong pagkatao, dahil sa likod ng aking karimlan naroon ang aking tunay na katauhan