pasensya
Sunday, July 2nd, 2006at di ko sinasadya
kung ay may nagawa
inaamin ko naman na akoy nagkamali
at di naman ako nagkukunwari.
huwag mo sana akong pag isipan
ng kung anuman
di naman kita malilimutan
at palagi kitang aalagaan sa aking puso at isipan.
kung di mo man napapansin
ako ay medyo nabibitin,
kahit ilang beses ulitin,
di mo rin lamang papansinin.
huwag ka sanang tumayo
tumingin sa akin na nakayuko
at dahan-dahang lumayo,
sa isang iglap maglaho.
pasensya na kung akoy medyo lito,
di ko kasi alam kung san ito patungo.
sa tuwing magagalit ka
ako ay nauubusan ng salita… di ko talga sinasadya…
mau
MALAYA!