habang nagpose si riddler

ako si mau

di ako perpektong tao

tulad mo .

minsan noon

winagayway ko ang bandilang pula

sa paniniwala na,

dapat lahat LUMAYA.

sa kapitalismo,

imeryalismo,

at pyudalismo.

ako si mau

di rin ako matalino

tulad nong kaklase ko…

gago.

minsan din akong nangarap;

pero dahil akoy kumurap;

kaya’t nagising ako sa isang iglap.

oo,

nagyosi din ako,

uminom ng beer,

pumasok sa bar,

nagwaldas ng pera,

nawalan ng barya

nangutang din sa barkada

pati sa mga tindera.

natuto rin ako magbasa

ngunit nanatili akong tanga,

inunawa ko ang salitang pagsasaliksik

at hindi pa ako natatapos, sabay sa paglakad natinik

LINTIK…sigaw ko habang tumingala

nalimutan ko na ang daan nasa baba.

ako si mau,

di rin gwapo,

huwag na nating basahin ang lovestory ko

at wag na ungkatin ang mga isyu.

tulad ng marami

madami na ring naging mali,

di ko na nauunawaan

ang aking prinisipyong pinaglaban,

dahil siguro;

tinigil kong pag aralan

ang digmaan ng isipan.

hindi pala sa europa makikita ang kasagutan.

wala rin pala sa libro ang talino.

sa huli nalimutan ko…

ang buo ko palang pangalan…

mauro.

hindi perpekto.

tanggap mo ba ako?

darkmau

MALAYA!

One Response to “habang nagpose si riddler”

  1. patricia mae Says:

    ahya, e2 lang po ang masasabi ko..

    ikaw aty GUWAPO! walang dapat tumutol dito!

    patty
    -MALAYA-

Leave a Reply