kartonistang kwento

hindi ko malaman kung ano bang dapat isulat sa lintek na blog,nangangati ang kamay ko na tumipa sa keyboard, para bang piano, or brush para sa pintor. okay okay nawawala na namn sa focus ang aking sinusulat, malamang maedit na naman to ng mga scavengers.

anyway, kanikanina lang nasa bus ako papuntang golders green, oo alam niyo yon malapit lang yun sa national bookstore na kalapit din ng bulcachow fast food chain.so ayun nga pumunta ako sa banko kasi nautusan ang abang lingkod ng aking mahal na ina. pero maniwala man kayo o sa hindi, e di parin eto ang topic ko. mabagal lumabas ang ideya, kaya comma at kwento muna ang gagawin ko.

so matapos kong pumunta sa banko, tumawid ako sa kabilang kanto, tapos ayun, naisipan kong pumasok sa sainsbury, wala akong nakita so lumabas ulit ako. naglakad ng konti at dumating sa bus stop, tumayo at nag antay. may dumating na bus, at sumakay ako.

oo na nga sige na… eto na yung sasabihin ko sa blog ko, may narealize ako kanina habang lulan ako ng bus, naisip ko lang na habang tumatanda ang tao eh mas lalong nagiging komplikado ang mga bagay bagay. imagine noong bata pa tayo ang pinapaspell lang sa ating eh three letter words, tapos pag nakapagbilang ka ng isa hanggang sampu masayang masaya na magulang mo. at reward na rin sa sarili mo na magkaroon ng GI JOE at barbie, ice cream in the afternoons, cartoons every friday, late na gumising pag sabado at presents pag sundays, lalo na pag nasa mood ang nanay at tatay mo.

pero pag dating mo sa edad na nine nag iiba na ang lahat biglang may peer pressure na, well from six years old nga meron na, pero mas malala pag umabot ka sa nine, nandyan na yung mga emergence ng mga school bullies, and the alikes. mas malala dahil may pressure na rin sa babae, alam mo yung gusto mo pero ayaw, kasi pasok na pasok pa rin yung sinasabi ni kuya bodjie na salitang BATA, syempre masaya kang malungkot pag nanonood ka ng Batibot. tapos nung dumating ang ANG TV lalong naging confuse ang buhay mo, kasi namn nauso na ang mga trends, na ang salitang bata may classification na. pag thirteen ka na eh, teeners ka na. dapat may susundin ka ng ibang lifestyle. goodbye joes and barbie, hello music and boys welcome to autographs and scrapbooks.

hinihingal na ako… pero ayun nakikita niy naman sana ang point ko. well kung di mo yun napagdaanan na stage, eh im sure di tayo magkaage,at iba ang leanings mo. so matapos mo lasapin ang teen years biglang papasok na ang medyo mas madudugong issue, courtship, lust and love. ewan matagal ko natutunan yang mga bagay na yan. akala ko noon ang mas napepressure eh babae lang, yun pala pareho lang. kasi para palang santol ang bagay na yan, kahit di masyadong maganda ang istura at may nakatikim masarap pa rin pala. hmmm next time fofocus ko ang blog ko sa santol at asin. so balik ulit tayo, pero ang downside ang santol may buto, pag naubos na yung lasa ay iluluwa din yun buto so sorry na…

tapos another couple of years magbabago nanaman mga napupuna mo. college mapapansin mo na yung mga bagay na hindi mo napapansin ten years ago. nararamdaman mo na ang pagtaas ng matrikula, yung hirap ng buhay, yung pagtaas ng gasolina, pati ang yaman ni marcos nauungkat mo na once in a while, at pagpapakasal sa sultan ng brunei eh nasa options na ng iba.

tapos after a few years ibat ibang stories na ang narinig at nakita mo tapos ud land up in situation na parang di pa rin clear ang career plan mo, that is kung meron man. tapos pag may isinulat ka sa CV mo akala mo okay n, pero in reality wala ka pa rin palang napuntahan. babalikan mo lahat tatanungin mo sarili mo may naipon ka ba, paano kung may magkagusto sa iyo saan mo patitirahin. yung mga ganong bagay, tapos okay lang sana kung ang magiging asawa mo ay kakain ng damo at buhangin, di sana wala ka ng poproblemahin.

dahan dahan na dumadami na complications sa buhay mo, yung three letter words na ipanapaspell sa iyo dati mani na lang sa iyo ngayon, pero yung pag juggle ng bills at career plans mo medyo di mo na rin maunawaan. kung mamalasin ka pa, mas marami pang mangyayri, tapos kung piliin mo man maging isang forever bum hahabulin ka ng pang aalipusta. so mahirap lumugar. parang magtatanong ka sa katabi mo parati kung ano ba talaga mahalaga sa buhay? oo deep inside you alam mo kung ano gusto mo, pero pano pag dumating sa punto na yung gusto mo pala eh ayaw sa iyo? yong tipong you cant win them all, or sometimes you always over and under estimate things kaya palaging kapos.

speaking of kapos, medyo inaantok ako sa pagsulat, so kung may nagbasa man nito salamat. ayh syangapala, medyo nagiging desperado na ako, may tanong ako, sino ba ang may pinaka simpleng video editing software?(so magaan din sana sa disk space)

darkmau

MALAYA!

One Response to “kartonistang kwento”

  1. -shem- Says:

    Hahahahah! Eheheheheh!

Leave a Reply