toilet theory

Go to fullsize imagemalamang may nasusuka na sa title pa lamang ng blog. well no offense reality based lang naman ang teoriyang nabuo ko. so ang tanong, mau ano nga ba ang toilet theory mo? well eto ang quick answer para sa quick question na ganon, ang toilet theory is basically about relationship in general. relationship na base sa pundasyong romantiko. love ika nga ba.

opp… bago ka mag react na "amff naman mau bakit mo nmn kailangan ihambing relationship sa toilet, dumale na naman yang kalaswaan ng utak mo"… well mali ka kaibigan, wala namang kasing masayang relasyon. aber tell one relationship na ng magsyota, mag asawa, mag MU na hindi nag away at hindi minsan man nagkaroon ng misunderstanding? lahat naman kasi may problema pag dating sa relationship. sabi pa ng ermats ko walang perpek na relationship, si rizal nga ilang break up ang pinag daanan. at napansin ko rin yun sa toilet.walang toilet na perfect, once in a while pumapalpak ang toilet, minsan, nagbabara, bumabaho, bumabango, nasisira, nangingilaw, umiitim and the likes, yung iba nga nababasag pag di nakayanan yung umuupo(at hindi yun exage na example). parang relationship, ang relationship, puedeng masaya, malungkot, magulo, masira, maayos at mawala…well sa totoo lang puede nating ihambing relationship sa ibang bagay maliban sa kubeta, pero ang fact lamang na binibigay ko is this, importante ang toilet sa bawat tao, at ang relationships na pinapasok nila importante din, kaya nakabase sya sa toilet.

pumapanghi na yata, hmm alam niyo ba yung feeling na parang mabaho yung toilet pero wala ka namang nakikita? ayun yun feeling nang duda… duda kahit wala ka namang nakikita, alam mong may realm of truth kasi may naamoy ka. o di ba parang kubeta. eh yung sense na biglang nagbara, yun yung point na may napupuno na, at hindi na rin malaman kung san nga ba lulugar, well alam mo yun, yung pareho niyo na inistress out yung points niyo at wala nang madigest ang isyu, kundi mastuck na lamang. so ayun yung times na puedeng tumawag ng help from outside, call the tubero or the good old assistance of the sucking cup.. bomba tawag sa amin non.

well minsan talaga kailangan may catalyst sa relationship, kailangan may tumulak ng isyu pababa hanggang sa maflush. tapos problema naman pag maraming nakikialam, yung bang pag marami gumagamit sa kubeta mas madaling madumihan at masira. yung ganon na feeling..

anyway, etong part na to, continuation na to nung pinutol ko na part, ive recently observed na lahat ng lahi may kanya kanyang toilet culture, the same goes sa relationship, iba’t ibang system para magfunction ang toilet nila. and eto pa ang isang realization, may intimacy sa paggamit ng toilet, same goes sa relationship. di mo naman siguro gugustuhin na gumamit ng kubeta na may kashare. parang relationship di ba. it would only work one at a time. sabihin mo man na maraming gumagamit pero still one at a time. malaswa at  kahindikhindik na masyado pag sabay  kayong gumamit sa iisang kubeta.. agree or disagree?

so ano ang punto ng buong toilet theory. eto ang three basic premise ng teoriya.

1. Ang toilet, hindi perfect, and so is the relationship, but we must admit na kailangan siya, necessity kumbaga.Kahit na sumumpa ka sa nuno mo sa lolo ng lolo mo na magiging single ka one way or the other magkakaroon ka ng relationship. Promise.

2. Ang toilet puedeng bumaho at madumihan, maluma at masira, kaya sa worst case scenarios na masyado nang madumi or beyond help na ang toilet… dont lose hope, kasi ang toilet as always puede marestore. lahat naman ng relationship ganon din puede marestore, but of course choice yang ng bawat individual. sabi pa di ba, we can always restore it or buy a new one.

3. if you opted for the former, well eto ang pinaka core ng theory, only the care and delicate understanding of matter ang lifespan ng toilet. parang relasyon, survival of the fittest. puede siyang magtagal depende sa options at choices na gagawin natin. in the end kahit san tayo mapadpad, sariling toilet mo pa rin yung hahanapin mo. we fail once in a while, nobody has a perfect infallible toilet.

ano ba yan…nababaliw na yata ako… susunod tissueroll conflict processing? hmm..immodium anyone?

darkmau

MALAYA!

3 Responses to “toilet theory”

  1. Tara Says:

    hehehe i had fun reading..first time!;) maybe ill check out ur blogs ever time i log in..hehe take care!!;)

  2. -shem- Says:

    I agree!

  3. Carla Says:

    love the imperfections…:)

Leave a Reply