drowning on vodka
di ko namamalayan
na nawawala ako sa kawalan
lumulutang sa kalawakan
na walang katapusan.
nakakuyom na daliri
at pilit nagsisisi
dahil di ko mawari
kung ano ang mangyayari.
nakaabang sa araw
tulog mababaw
sa madaling araw
sumasayaw, humihiyaw.
pilit kitang lilimutin
ngunit di kita matakasan
parang buwan
na patuloy akong sisinagan.
nalilito naliligaw
parang isang sisiw
giniginaw, natutunaw
parang isang malabong pananaw.
paano ba maitatama
ano nga ba ang magagawa?
habang akoy umiiwas
don yata ako napipilas.
gunita ng isang araw
pawang punyal at balaraw
nakasaksak at nakatarak
kaya ngayon uloy nawawasak.
-darkmau
MaLAYa!
-para sa lahat ng nalito sa hilo-