Kung Saan Man

Dito, nakatungo ang ulo

Nagiisip, nanalig…

Nagtatanong, nagmamasid…

Bakit di nagtagpo.

Doon, sa dako roon

Naroon nga siguro,

Ang mga kasagutan..

Ngunit di mapasaakin.

Iniingatan ang puso

Na may lamat at sugatan

Napagod na sa pakikidigma

Sa sariling kaisipan.

Mangangarap sa mga bituin

Sa malawak na kalangitan

Maghihintay…maghahanap

Hanggang sa mapagod.

Kung saan man umabot

Kung hanggang kailan

Pero hindi dito

Hindi pa ngayon.

darkmau

MAlaya!

Leave a Reply