1:
di ko naman maintindihan
sabi mo dati kahit saan abutin
di tayo magiiwanan
eh bat ganito bigla kang lilisan?
2:
sabi ko naman sa iyo
hindi naman ako lalayo
kailangan ko lang ng oras
upang sa tunay na mundo makatakas.
1:
bakit kailangan mong mag isa
at bakit hindi ako puede sumama?
paano kung maisipan mong
biglang ayaw mo na?
2:
huwag ka naman ganyan
alam mo naman di kita iiwan
kailangan ko lang panandaliang lumisan
upang mga bagay aking mapagisipan.
1:
may nagawa ba akong mali
pangako ko ba ay nabali?
may duda ba sa puso mo.
na akoy hindi tapat sa iyo?
2:
bukod tangi ka sa lahat ng nakilala ko
buong puso ko may tiwala sa iyo.
alam kong kailanman
di mo ako kayang pagtaksilan.
1:
napakatamis na mga salita
pero wala pa rin akong magagawa.
dahil gusto mo pa ring kumawala.
at sa panandaliang panahon lumaya.
2:
may mga bagay lang talga na dapat pag isipan
pagukulan ng panahon at pag nilayan.
hanapin ang sarili ko
at isipin kong dapat nga ba ako sa iyo.
1:
minahal kita ng sobra
at hanggang kailanman mamahalin kita.
kung yan ang nais mo,
yan ang gagawin ko.
3:
Hindi ko maunawaan kung bakit ganito
magcocool off lang kayo
pinahirapan niyo pa ako.
dinaan niyo pa sa tula,at numero.
at si 3 yung usisero.
DarkMau
MALAYA!
-experimental poetry-