sneakers

sapatos koy naupod na,

lakad dito, lakad doon,

sintas ay napipigtas,

at kulay ay  kumukupas.

ang masayang lakaran ng nakaraan

ay binabalikan,at nagmistulang,

prusisyon ng patay,

bawat hakbang patungo sa himlayan.

sa daang minsang tinalunan,

sa masayang nakaraan,

ngayon di na maaring balikan,

parang nobela na mapait ang katapusan.

sapatos, swelas nagaaklas,

dahan dahang nababaklas

habang sa baha nagdadaan,

na dulot ng ulan ng malungkot nakaraan.

darkmau

MALAYA!

One Response to “sneakers”

  1. WEEZA Says:

    sapatos senti ;) nice!

Leave a Reply