Malaya!

sa munti nyang kamay ko naunawaan

ang kahulagan ng kalayaan

sa mga mata niyang lumiligid

at walang takot na may makita.

bibig na kapos sa salita

ngunit nakakapagsabi ng katotohan

mga binting kulang sa balanse

pero may malayang paa.

minsan sa pagkakataon na ito

nakita ko maganda pala ang mundo

habang nakikita ko siyang tumatawa

at sinasamsam ang bawat makita.

sumisiple ang mundo habang siya ang pinagmasdan

hindi man tiyak ang kaniyang bukas

ang alam niya lamang ang kanyang ngayon

at ang musmos niyang kalayaan.

nakaligtaan ko na ang mga panahon

na minsan din akong naging tulad niya

mangmang ngunit hindi alila

inosente ngunit hindi tanga.

o kay sarap maging tulad niya

manatiling bata at hndi na muling tatanda

o kay sarap maging tulad niya,

musmos at malaya.

darkmau

MALAYA!

Leave a Reply