tuldok

kung ayaw mo na gawin

huwag mo na pilitin

parepareho tayong masasaktan

nakakapagod magtaguan.

kung ano ang dapat mong sabihin

huwag na mag alinlangan

parepareho tayong nabibitin

kaya tama na, huwag ng pilitin.

di naman ako masasaktan

ayaw ko lang na makita kang nahihirapan

habang pinagmamasdan kang luhaan

sumasabog ang aking katinuan sa kalawakan.

sa haba ng panahong inantay

panahon na para ihimlay

ibaon sa limot ang nakaraan

may ngiting nag aantay sa iyo kinabukasan.

di na bago sa akin ito…

di lang naman tayo ang dumaan sa ganito

masasanay din ako, mabubuhay pa rin ako.

kahit kaniya kaniya na tayo…

darkmau

MALAYA!

2 Responses to “tuldok”

  1. Anna Marie Says:

    wow ha… kakarelate ako..hihihi… =)

  2. Hypnotic Says:

    tinamaan ako ah! galing mo, Biboy!

Leave a Reply