wala naman akong sasabihin.. wag mo ng basahin
ipikit ang mata
at maghintay
sa hudyat ng kaba
natatakot sa ayaw makita.
pipigilin ang oras
sa pagpigil ng hinga
at di magtatagal
hihingalin ka bigla.
pipiliting makatulog
upang managinip
sa musika ng gabi
agad kang gigisingin.
magdadasal ka
sa Diyos mong kilala
mananalangin ng taimtim
na huwag na sanang dumilim.
naghihintay habang nakatanga
gunita mo lamang
laging naalala
nanabik sa pagkatulala.
di ko na kayang matapos
ang aking tula
sa dahilang nasira ang pagkakataon
dumating si ERMS at akoy nautusan.
darkmau
MALAYA!
November 29th, 2006 at 10:13 pm
si ERMS.. ang pinakmamahal mong babae sa buong mundo..=D