0-0-7 wala wala pito….
hawakan mo ang baso ng serbesa
huwag bibitawan ang kaluluwa
huwag matulog. sabay tayong mag antay sa umaga
magdiwang at magsaya bagong taon na diba…
huwag mong patayin ang sindi
sa paputok mong dala
itapon sa malayo
at takpan ang tenga…
sa pagsigaw at hiyaw ng pulbura
magsasama ang lungkot at saya
mga oras na di na mababawi
sa pagpatak ng alas dose.
wala nang hinihintay
wala nang makakapigil
ang oras di na titigil
eto na… eto na….
may magbabago ba?
sana nga….
o sana.
darkmau
MALAYA!