ginoong kalungkutan
kahapon lamang ako ay masaya
biglang umulan at ngayon lumuluha
ngunit di mo na yun kailangang makita
tulad mo nahihirapan din ako.
minsan diba sa buhay ng tao
di mo masasabi kung ano ang totoo
kailangan mo pang isara ang mata
upang don sa kadiliman iyong makita.
sino ba ang may sabi na madaling mabuhay?
sa bawat panahon kailangan pala ng tulay.
nagsasawa ka sa paulit ulit na pag hikbi
natatakot na di ka na makangiti!
pigilan mo man ang panahon
di mo magagawa, kailangan meron masaktan
upang merong may masiyahan
buhay na hindi sigurado… di natatapos na katanungan.
darkmau
malaya!