pagninilay
ang pag ibig daw ay isang palaisipan
di maaring sagutin ng madalian.
parang isang bangin na walang paroroonan
isang kamatayan na walang hangganan.
di raw madaling matagpuan
at di rin daw madaling iwasan
lilipas muna ang ilang taon
bago mo matutunan.
hindi raw ito basta emosyon ng isipan
di rin dala ng hangin ng kababalaghan
parang isang tanim kailangang alagaan
bago mo malaman kung ano ang hangganan.
walang oras na pininpili
di rin daw nagsasabi ng tama o mali
kaligayahan sa takdang oras
ay di dapat lumipas.
ngunit parang buhangin sa bukas na palad
di mo dapat ikuyom
upang sa pagdating ng panahon
ay di ka mauubusan.
pag ibig sa panahon ng digmaan
ay tulad ng bagyo sa dulo ng walang hanggan
umaasa sa katapusan ng unos
may isang puso na hindi mabibigo.
kadalasan, sa pagiging mapusok
ang naiiwan na lamang ay mga salita
ang tunay na pagibig ay nawala nang bula
di mo namalayan, at di mo naramdaman.
darkmau
MALAYA!
December 21st, 2006 at 10:51 pm
may mga bagay na hindi natin maintindihan
may mga bagay na walang kasagutan
tunay ngang kay hirap matagpuan
ang pagkakuntento sa kasalukuyan
maraming katanungan ang naiiwan
maraming damdamin ang lumilipas
ganun siguro talaga…