Missed Call

nung iniwan ka ba niya,

lumuha ka ba?

nanghinayang at nagsabing

Sayang…

nung muli mo siyang makita

na may kasama,

nagselos ka ba?

malamang nagalit ka…

nung magtext siya

natuwa ka ba?

sabay nainis dahil

nandyan nanaman sya?

nung pinadalhan ka niya ng bulaklak

at sinabi niyang gusto niya pa

pumayag ka naman diba?

at tuluyan mo akong nilimot

sa bawat pagkakataon na narito ako

sa tuwing sasaktan ka niya.

sa tuwing iiwanan ka niya.

sa bawat panahon na ayaw niya sa iyo.

pero pasensya na.

hanggang dito na lang ako.

ang dati mong binabalikan

ay siya nang lilisan.

paalam na.

ako naman ang liligaya.

salamat sa malungkot na alaala.

sa ngayon lahat ng tawag mo

sa aking cellphone

ay isa na lamang..

missed call.

darkmau

MALAYA!

6 Responses to “Missed Call”

  1. 'patti' Says:

    ahya, nice one!:)

  2. -shem- Says:

    huhuhu.. ;)

  3. -priNsesA Says:

    very nIce… ahuhuhu.. karelate akO dOn.. ahaha=))

  4. cHarmZ Says:

    hell yeah!!! ;p

  5. jacky Says:

    nice blogs…….. kuyawa jud oi……..

  6. Malou Says:

    hayuf! ang shaket…can relate to that, mau. =)

Leave a Reply