…..
di ko na nasasakyan ang takbo ng panahon,
parang isang paglalakbay na bumabaon,
sa isang malayang kaisipan na walang paroroonan.
parang isang kasiyahang nakagapi sa gitna ng kalawakan….
nais kong lumaya at makita ang liwanag;
nais kong matuto at makatakas bilang bihag…
ayokong umalis at masaktan ng walang makakamtan;
gusto kong makuha ang tala na aking pinaghirapan.
gusto kong limutin ang mga kabiguan,
at isigaw sa mundo na wala na akong nakaraan,
pero, parang isang hukay di pala puedeng takasan…
ang isang mundo, na puno ng kalungkutan.
hindi ko na nais ang bilangin ang araw
di na maibabalik ang mga nakaraan sayaw…
mga kahapon na nakikipagtunggali sa ngayon
panahon na walang patutunguhan, bukas na walang katiyakan.
darkmau!
MALAYA!
February 19th, 2007 at 7:39 pm
tulad mo rin, ako’y isang ligaw na kaluluwa
na kung minsan ay ninanais na maglaho na lamang
sadyang mapaglaro ang buhay
malungkot ako pero masaya
sigurado pero di ko matanaw ang bukas