eto ang sa yo.

magkano kaya ang babayaran kong utang?

upang sa hinagpis makatakas?

ilang pawis at dugo ang dapat dumanak

para mapalaya sa hindi matakasang problema.

di lang naman pera ang usapan,

nagaaway tayo sa kultura, sa kulay at pulitika.

yung tatsulok at mga payasong nakabarong,

nakangiting asong buaya.

walang katapusang lagayan…

ubusan ng kahihiyan.

may pagitan ang bawat bagay,

di puedeng abutin ang langit ng lupa,

may diskriminasyon sa tagalog, bisaya at ibang lahi,

e ano kung baluktot ang tagalog ko,

di naman ibig sabihin non bobo ako…

edukasyon na para sa lahat, libre nga ang iilan,

ang tanong; ano ba ang natutunan.

dumadami ang kriminal at pusakal,

mga taong sinakdal ng isang hustiyang di pantay.

mga alila ng dayuhan,

bakit kailangang maging mabait sa mga peste na iyan?

minsan sila na ang may sala, sila pa ang mayabang…

at sa lupa pa ni Juan sila nakaapak… anak ng tyanak!

o kung saan ka man umabot, huwag mo kalimutan

na ikaw ay may pinagmulan.

pinoy ka ba?

ako oo…

hindi dapat magpatayan sa prinsipyo,

walang matitira sa atin

kung tayo ay mag uubusan…

darkmau

MALAYA!

Leave a Reply