para-sa-14
dear valentine,
masaya ba ang valentines ko? ewan di ko alam. toxic ako sa lahat ng bagay. hassle ang skul, ang trabaho, ang pamilya pati na rin ang interest rate pinoproblema ko na rin. pero ikaw lang yata ang nagpapasaya sa akin. parang shabu at marijuana na patuloy nagpapataas ata nagpapababa ng aking mood swings. neutralizer kumbaga. perfect drug in short. lahat yata ng malas sinasambot ko na, pero ayos lang yun in due time naman alam ko may mapupulot ako sa walang kasawa sawang push and pull na mundo.
so wag ka na magtaka kung bakit unromantic ng panimula ko, epekto yan ng unromantic situation na napapanood ko sa aking mini cinema which is my imagination. palibhasa kasi halos pikit mata ko nang nilalakbay ang winter para lamang mabuhay. pero lam mo, paminsan minsan naiisip ko na ring mag give up. pero hindi… sabi ko sa sarili ko pag nag give up ako lalo akong pagtatawanan nung ex boss ko. hayy ayaw ko na siyang isali sa usapan , tumaaas lang ang presyon ko kasabay ng pagtaas ng inflation rate sa pinas. kanina sa bus nung paalis ako nakakita pala ako ng dalawang tao, palagay ko mag on sila, im not sure pero the way they kiss iba eh. oo nakakainggit. sobrang di ko mapigil ang maging hopeless romantic sa ganun. at huwag ka tumawa, hindi libog yun.
kailan nga ba akong huling nagpakatotoo sa mundo? hmmn , palagi ko naman tinatry pero i just fall short… masisi mo ba ako? lahat naman tayo born liars. magmula sa ating magulang hanggang sa mga teachers natin sa skul. lahat sila nagsinungaling sa atin. essence ba ng life is mabuhay, magkamalay, mag aral, mag hanap ng trabaho, mag asawa, magka pamilya, mag retire, at mag antay mamatay? asan yung magic sa life mo don? asan yung essence ng existence mo? wala.
bakit di ba puedeng gawin yung gusto mo, na walang hahadlang sa iyo, yung mere fact na puede ka mag saya, magpaka totoo, gawin lang bagay na gusto mo, at umibig sa taong gustong gusto mo, na hindi ka mag woworry na mamatahin ka ng pamilya nung taong yun na dahil wala kang natapos, wala kang pera, wala kang kotse or anything na luho. yung sana ang mundo tumatakbo lang sa essence na gusto masaya kalang dahil nagmamahal ka at minamahal ka? pero hindi naman ganun ang mundo. and that is the sad part.
kelan ba yung last time nasabi mo sa sarili mo na fulfilled ka dahil feel mo buo ang pagkatao mo. na hindi ka naghahanap ng something more sa kung anong meron ka. huwag mong sabihin oo nafeel mo na yun, well sige pagpalagay na natin na nafeel mo yun.. ang tanong eh how long did it last ba? hindi rin naman for long diba?… yun sigurado yun. kasi di naman walking constant sequence ang mundo. hindi siya flat plotted.
pero alam mo, habang iniisp ko ang lahat ng to, at kasabay nito naiisip din kita, doon… doon ko lang nafefeel ang magic. pero naman kasi ang problema taken ka. taken din ako. taken ka ng real life at ako ay nabubuhay sa pantasya na hindi ko alam kung si peter pan nga ba ang nagprogram. katulad mo gusto ko rin maging malaya, pero hindi, hindi natin magawa. una may mga hindrance, pangalawa masyado akong takot umapak sa pangalawang baitang. masyado akong napapraning sumulong. kasi takot akong makasakit, at takot akong masaktan.
pero ayos lang naman. pero kung bibigyan ako ng pagkakataon na maulit ang buhay ko, marami akong gagawin, babaliktarin ko ang mundo para lang mapalapit sa iyo. ikaw pa rin ang gugustuhin ko. ang pakakamahalin ko. bakit? kasi ikaw lang yung nagbibigay kulay sa madilim kong mundo.
pero ang tanong… kelan ka kaya darating? tumatanda na ako, pero parang ang tagal tagal mo pa rin. pero nandito pa rin ako.. mag aantay, habang nag lalaro ng hide and seek sa mga kaibigan kong pinagkakautangan. o siguro naman natawa ka na… dahil nagsulat ako ng isang bagay na parang walang patutunguhan. magulo lang ang mundo ko. yun ang bottom line. kaya sige sa susunod sana harapan ko na mailahad ang lahat ng gusto ko sabihin.
nagaantay,
valentine mo pero di mo lang kilala.
liham ito ng taong patuloy naghihimutok sa isang sulok ng karimlan. habang ninamnam ang bawat oras ng kalungkutan…para sa mga taong nawawala, naghahanap, at nagpapaka baliw. tulog na tayo.
darkmau
MALAYA!
"sindihan na yan, at uuuuubo…" Panalo by color it red
February 13th, 2007 at 4:25 am
ahya, pati ex-boss mo nasali parin dito? haha makatrauma man yan siya uy.
minland memories..:p
February 15th, 2007 at 12:31 am
i like your blog so touching and very emotional i love it… and you