liham
mahal kong maria,
kakaaliw tumititig sa salamin,
kahit isang minuto parang artista,
walang ibang aagaw ng eksena
ako lang parati ang bida.
kulang na lang ang dumating ka
para may leading lady.
teka wag muna pala,
di pa ako nagsusuot ng brief,
gusto ko romantic movie
at hindi pornography.
saka ka na tumawa,
wala pa naman kasi akong masabing maganda…
ano ulit yun?
ahh oo yung salamin,
habang nangangarap na
sana’y maging akin.
siyanga pala kung wala kang gagawin,
maari ba kitang isama sa amin…
at habang buhay pasisiyahin,
kailanman di paluluhain.
nagmamahal, na ang gasolina,
juan.
darkmau
MALAYA!