stir up to masses faith!
sabi nila nagmaliw na daw ang ating mga sigaw.
di na daw natin makakamtan ang ating nasimulan.
may kanya kanya na tayong daang tinahak.
at nalimutan na nating maging anak.
kay inang bayang naghihirap.
pero wag kayong kukurap, di pa natatapos,
kahit hindi kami sumisigaw;
di nangangahulugang tapos na ang pakikibaka.
hanggat may mga nahihirapan,
nag-aaway at nagpapatayan sa sistemang di pantay,
hindi pa kami matatapos.
mga iSDa di nyo pa kami magagapos,
at aming mga sinimulan di namin malilimutan,
nakaugat sa aming mga pagkatao ang pakikibaka.
ang hindi natatapos na pagtuklas at pagaaral
sa sistemang huwad.
hindi man kami humahawak ng bandilang pula,
o kaya’y sa daan nagmamartsa
di pa rin kami sumasang ayon sa inyo.
may araw din kayo.
mag hintay lamang kayo…
malapit na kaming bumalik,
at ang sa mga kasamang nasawi,
ang inyong buhay ay mananatili sa aming puso.
sa Panginoon at sa lahat ng taong may paniniwala
magiging masagana rin ang niluray na Bansa!
"ang tao! ang bayan! ngayon ay lumalalaban! dahil sa kahirapan!"
darkmau
malaya!