ambot
wari di ko na kayang intindihin
ang pihit ng oras di ko kayang pigilin.
sa bawat katagang iyong sasabihin,
di ko na alam kung anong iisipin.
- ubos na rin ang luha mo kaiisip sa kanya
- at kung wala na akong madama
- para sabihin na isasama kita
- sa aking tahimik na himlayan…tara na.
at kung saan man abutin ang ating damdamin
ay hindi ko pipigilin.
hayaan na lumipad ang kamalayan…
sa dulo ng walang hanggan.
- sa bawat oras na lumalamig
- at sa bawat gabing umiinit
- mga katawang nag iisa….
- nanalangin sana kasama kita.