DELOVED
eto na ang sagot sa problema mo
tulad ng ibang produkto,
hindi ka matatalo dito,
kaya’t pahirin ang luha.
ilabas ang ngiti sa mukha,
narito na ang bagong pagasa.
kung ang kape may decaff
ang beer may light
isali mo na ang yosi,
at ang asukal may counterpart din,
ngayon pati ang love ay meron na ring…
DELOVED.
pag ibig para sa hindi handang umibig.
DELOVED.
isang pag ibig na walang kasalanan,
madaling tandaan,
madaling kalimutan,
mahal mo ngayon,
kakalimutan bukas…
ng walang luhang bakas.
DELOVED.
para sa mga gustong lumigaya,
sa pag-ibig sumaya,
init sa katawan at panandaliang pantasya,
para sa mga nalulungkot,
at ayaw masaktan,
sa mga nasawi,
at sa mga nagsawa na.
eto ang sagot sa pinagdadasal ninyo…
DELOVED.
Pagibig na hindi talaga umiibig.
mabibili sa mga suking tindahan ng aliw.
.
darkMAU
MALAYA!
May 14th, 2007 at 12:18 pm
hay kuya huh.. san ba meron nyan?? mhal ba yan?? can afford?? ba huh??
May 18th, 2007 at 3:23 pm
hahaha! you’ve just got promoted! pwede kaayo ka didto sa _ _ bah, didto gani sa cabaguio! heheheh
June 29th, 2007 at 8:44 pm
Tor tagpila?