malabo
isusuko ang kahulihulihang patak ng dugo,
mabili lamang ang luho,
ng espasyo at panahon.
malapitan at makamtan,
ang pag-ibig na walang hanggan.
.
hinding hindi matitinag,
ang binti sa pagtakbo,
mapalapit lamang sa iyo.
at isang araw,
ihaharap ka sa dambanang walang hanggan.
.
kulang ang araw, buwan at mga bituin,
ang ulap at hangin,
dagat at maging mga bundok,
upang maipakita sa iyo,
na ang puso ay totoo.
.
sa pag udyok ng ikot ng hindi natatapos;
na mundong nakagapos,
sa mga huwad na katotohonan,
ngunit di bale na,
hanggang sa impyerno ikaw ay hahabulin.
.
habang ikaw ay natatanaw sa panaginip,
lalong naiinip,
gustong ipihit ang takbo ng oras,
pabilisin ang takbo ng mundo,
at sa iyo mapadpad.
.
sa kamay ay hahawakan,
at di na bibitiwan.
magunaw man ang sanglibutan,
at hinding hindi na muling luluha,
ang bawat gabi ay sing tamis ng umaga!
.
dulot ng pag ibig na nagsasayaw.
pag ibig na nagsasayaw,
sa ulan nagtatampisaw,
eto sa langit ang hinihiyaw.
sa wakas ngayon ang dating malabo…. ay malinaw.
.
mau
MALAYA!