pagpili
dalawang kamay, kapwa nakakuyom;
ang isa may laman at ang isa wala,
dalawang desisyon, iisa lang ang tama,
yung kanan ba o kaliwa?
.
hindi sapat ang tignan ang mata,
at magdasal sa Diyos upang mapagpala,
hindi puwedeng ikahon sa hula,
upang ang laman sa kamay makuha.
.
isang oras ang lumipas,
tumutulo na ang pawis,
ang nooy nakakunot,
sa tadhana pilit lumulusot.
.
ano ba ang meron sa kanan,
at ano ang nasa kaliwa?
kung ano ang kasagutan,
kailangan nang pagpasyahan.
.
ang pagpili.
-darkmau
MALAYA!
June 29th, 2007 at 2:53 pm
tol ako kakanan