sino ako? ikaw?
ako ba ay produkto ng imahinasyon
ng nagsukob na damdamin?
inabot ang panahon ng pagkalas,
upang sa sinapupunan, makatakas?
ako ba ay daluyan ng nagdudugtong na buhay,
ng kamalayan na nahimlay?
o isang pagkakamali sa gabing di malilimutan,
iwaglit man o itapon sa kawalan.
ako ba ay katotohan ng mahalay na pawis,
tumulo sa gabing pagpapasabog,
ng masidhing pagnanasa
sa espasyo pumapagitna?
ako ba ay buhay na binigyan ng taning?
o isang elemento lamang ng mas malaking teatro?
ako ba ay ako at hindi puedeng maging ikaw,
sa saliw ng panglabas na kaanyuan,
sino nga ba ako,
at bakit hindi tayo naging pareho?
ako ba ay tao o hayop?
isang bang lipunan ang aking kinabibilangan,
o isang kagabutan rin,
na puno ng karahasan,
upang mapahaba ang lamang ang sangkatauhan?
ano ang meron sa akin, na meron sa iyo?
ano ang may halaga sa bawat araw?
may hangganan ba ang pagpanaw?
-
darkmau
MALAYA!
June 7th, 2007 at 8:22 pm
ikaw ay si Juan…