r-18

disclaimer: halaw sa mga naisip ko nung nine years old pa ako. salamat sa kapitbahay namin na may isang bag na pornong comics, na hindi ko nabulatlat dahil nahuli ako. lahat ng nababasa niyo ay hindi puedeng gamitin sa tunay na buhay. patnubay ng magulang ay kailangan.

paulit ulit daw ang buhay. kaya nga may tinatawag na life cycle, prang ipis, parang microogranism maging parang washing machine(lahat may cycle). dahil sa cycle na to, kaya parepareho tayo ng nabubuhay. naalala ko may analogy sa radyo non, ang buhay daw parang gulong(cycle ulit) minsan nasa ibabaw daw tayo, minsan nasa ibaba…pero nung narinig ko yun ang pumasok sa utak ko… seks…

SEX ba… alam mo yun. im sure. ang buhay parang sex.  minsan nasa ibaba, minsan nasa ibabaw. ui hindi ako malibog, kung nababastusan ka, ikaw ang malibog(sabay ngiti tas hithit ng hangin sabay sipol).  pero sa kalaliman ng sex, hindi lang naman siya ordinaryong gawain, hindi mo sya kayang gawin kung ikaw ay two years old, unlike sa mga child prodigy na puede maging genius by the age of 10 mos to one year… oo matalino sila, mature.. pero hindi sila puede mag sex, kahit gusto nila. diba? naisip mo ba yun? ako kanina lang nung kumakain ako ng pickle na sibuyas, masarap yun lalo na pag gusto mo wag ka kausapin ng tao. mabisang pang anti-social.

bukod sa ang sex ay ginagawa sa tamang edad, ibat ibang pakay rin ang nasa likod nito. may mga rason ng pagmamahal, rason ng libog(uii), rason ng procreation, rason ng pagkaadik, or minsan na pabugso bugso ng kati(minsan masama). parang buhay di ba, pero isa lang ang pakay, mailabas ang isang masidhing kagustuhan, at yun ang dahilan para maging tao.

hindi ko na sasabihin, or magdidiscuss ng morality tungkol sa sex, kasi sa buhay hindi din naman natin iniisip kung morally right or wrong ang buhay diba? hindi ko matandaan ang panahon na inisip ko ba ang tama o mali…pero madalas o minsan, alam natin kung ano ang ating ginagawa, pero patuloy pa rin nating ginagawa. hindi naman kasi natitigil ang buhay sa ganun. wala akong alam sa sex, at natutunan ko pa lang buhay.  pero mas madalas gusto ko isipin na ang sobrang pagiisip eh nagiging dahilan ng pagka tuliro.

darkmau

MALAYA!

Leave a Reply