Archive for November, 2007

hanggang sa hanggang

Monday, November 26th, 2007

ikaw ang langit sa lupang hagkan

ilaw sa dilim ng aking dinadaaan

sa iyo ang aking bukas,

bumubuhay sa ngayon,

at nagtatanggal sa mapait na kahapon.

ikaw ang pangarap na dumating,

na kay tagal inasam.

taglay ng iyong ngiti,

ang payapang pagbati,

sa bukas at kahapon,

kailanman di na hihikbi.

sa iyo iaalay ang natitirang buhay,

hanggang sa dulo ng hangganan,

ikaw at ikaw lamang,

ang magmay-ari sa nagiisang ako.

sa pangakong sa Poong Maykapal inaalay,

na sa iyo at iyo lang ang puso’y mabubuhay,

at tuluyang mahihimlay.

_

para kay raissa. happy!

-darkmau

MALAYA!

greener pasture

Tuesday, November 20th, 2007

sa grade one madalas nagsisimula na itanong sa atin kung ano ang gusto maging paglaki. madalas na mga sagot ay abogado, engineer, doktor, at nurse. sa iba  popular answer din ang pulis, military, artista, at siempre PRESIDENTE.

noon, palagi kasali sa lecture ng good moral and right conduct na importante na may matapos ang isang tao. importante ang diploma upan maabot ang mga pangarap.  hindi bat sa wowowee palagi sinasabi ng mga contestants na sana makatapos sila ng pag aaral or mapatapos nila ang kanilang mga anak sa pag aaral upang maabot ang kanilang pangarap. tapos pag hindi maganda ang pag deliver ng lines ng tao at hindi sya masyado kwela walang dagdag na perang ibibigay si willie. yun ang entertainment.

balik tayo sa topic, ang edukasyon daw ay kayamanan na kailanman hindi mananakaw sa atin. totoo, ngayon naniniwala na ako na ang edukasyon ay kayamanan, lumingon sa mga university belts, at maging sa mga colleges at primary schools, naghihirap ba sila? taon taon na lang tuition fee increase diba? aminin!

pero kidding aside, habang dumadami ang mga bata na nagaaral, at dumadami ang mga call centers, eh hindi pa rin tayo umaangat? padami na ng padami ang mga professional na nagiging nurse, at padami ng padami ang kumakanta ng "GUSTO NAMING MAG ABROAD!". wala na yatang, gusto maging dakila at sabihin na "mahal ko ang PILIPINAS at ito ay iaahon ko". wala pa akong naririnig na nagsabi non, marahil ay hindi pa niya nafefeel ang need na sabihin yun, kaya hindi pa sya nagpaparamdam, o marahil nawithdraw siya ng tatay niya kaya hindi pa siya nagagawa.

ano nga ba ang meron sa abroad? madami pare! may vendo machine ng condom sa abroad! yippee… joke lang. magandang buhay ang nagaabang "daw" sa abroad. marahil sa abroad tumutubo yung GREENER PASTURE. paano ba naman kasi sa atin may mga green pasture nga pero nilaland grab naman ng mga  POLITIKO at mayayaman(hindi ko nilalahat, pero karamihan sa kanila kabilang dito).

maraming oppurtunities sa abroad, maraming panganib, maraming adventures, kumbaga the possibilities are endless! pero sa pagpatos sa tawag ng labas, ay sukli naman ang mahigit na sakripisyo. maraming pamilya ang nasira dahil sa oppurtunities nato, maraming tao ang nagbago sa pangrap nato, at ang iba ay naging transvestite na.

iisa lang daw ang nagtulak sa lahat magabroad. dahil daw wala nang pag asa ang pilipinas. malamang tama sila, paano ba naman kasi, lahat ng tao sa atin hindi naiintindihan ang salitang hustisya. basta makakalamang, gagawin natin.  hindi bat sa mall o kahit sa anong lugar palaging may VIP, basta dumating si congressman  o mayor sila ang inuuna natin? baka nalilimutan natin na ang mga pinakamalalking TAX EVADER eh etong mga TYCOON at mayayaman na politiko. hindi ba tayo nakapag isip na maraming negosyo kapag nakaupo ka sa pwesto? kaya patuloy na dumadami ang gustong mag artista, upang maging politiko.

minsan tinanong ako ng dentista ko kung ano ba daw ang puedeng maging solusyon sa problema ng pilipinas? sumagot ang tatay kong excited "REVOLUTION!" umiling ako at inalis ang bulak sa aking bibig, sabi ko "justice".  kapag natuto tayong ibigay ang tama sa lahat ng tao, pasasaan ba at magkakaroon din tayo ng pagbabago. pero siempre hindi naman adik ang mga tao at biglang maging posessed angel at ipamigay ang kanilang lupa at magbayad ng tamang tax. at lalong hindi adik ang mga taong nasa gobyerno para aminin ang kanilang kasalanan at gawin ang tama, malamang wala nang matira sa gobyerno dahil lahat namatay sa kahihiyan.

mahaba na ang nasusulat ko, pero malamang di mo pa rin nababasa ang punto ko. kelan ka ba huli gumawa ng tama para sa kapwa mo pilipino? ipasa mo sa iba, baka sakali may magbago sa ating mga pananaw.  wala sa US, Middle East at Europe ang greener pasture, nasa Pilipinas ang problema, doon tayo magsimula. Hayaan mo at pabalik na rin ako, nagising na ako, eh ikaw?

-darkmau

MALAYA!

SEKS atbp

Monday, November 19th, 2007

napanood ko sa tv na  laganap pa rin daw ang mga sakit na nakukuha sa unsafe sex. marami pa rin daw tao ang hindi marunong gumamit ng condom sa pakikipagtalik. pero ayon naman sa gobyerno, laganap naman daw ang kanilang propaganda sa edukasyong pangkalusugan at edukasyong sekswal. maging sa paaralan daw, tinturo nila sa mga teenager ang kahalagahan ng safe sex at unwanted pregnancy.

sa mga health centers daw ay mayrong libreng condoms at mga pills at mga literatura tungkol sa kalusugang sekswal.sabi naman ng simbahan, hindi rin daw sila nagkulang sa pagpaalala sa kanilang aral na dapat sagrado ang pagtatalik, at sa turo ng doktrina na ang lalake ay para sa babae at vice versa.

pero paano nga naman hindi dadami ang sakit sa atin? pucha, bawat lungsod sa atin may red lights district, lahat dito may alak, droga at babae. dagdagan pa ng tv series na mula sa amerika, na okay lang makipag jug kahit di pa kasal. hindi bat nauso ng husto ang one nght stands at flings, at fubu(fucking buddy).

ipokrito ang ating lipunan. patawad pero yan ay sa pananaw ko, malawak ang pagiging katoliko ng mga pilipino, pero salungat tayo sa pagiging mahusay na tao. ako, hindi ako nagpapaka pontso pilato sa lagay na to, balahura din ako, at  pangaingailan para sa akin ang pagtatalik(balikan ang maslow’s heirarchy of needs).

pero paano nga ba hindi dadami ang sakit at unwanted pregnancy? naturo ba ni mommy at daddy(may mga barko sila kaya sosy) kung paano gumamit ng condom, ang withdrawal at pills? napagusapan ba sa bahay ang sex nang hindi pinapalo ang bata? lahat naman tayo may libog(uwag sa bisaya), ginawa ito dahil tao lang tayo. pero bawal daw ito dahil bastos, kaya wag pag usapan.

naalala mo pa ba na ang pekpek at titi ay pinapangalanan ng cute names like birdie at pukikay. kaya tuloy sa mga pseudonyms nato lalo umusbong ang supressed sexuality. although hindi ko nilalahat, meron na malakas talaga ang self control, at ito ay hanay sa mga taong may mataas na IQ at low ang EQ.

pero aminin, sobrang nakakadyahe umiskor ng condom sa tindahan. nasubukan mo na bang bumili ng condom sa botika? tas pabulong mong sasabihin na, "miss pabili naman ng condom" tas sasagutin ka ng babae na "okay sir" tas maglalakad sya papunta sa mga condom, tas sabay sigaw, "SIR ANONG FLAVOR NG CONDOM???" at lilingon lahat sayo, tas ikaw matutunaw at babalik sa pagka sperm at egg cell.

pero may mga tao na matinik sa diskarte. kanya kanyang raket para bumili ng proteksyon. tulad ng pagbili ng condom eh hahawak sa cellphone at kunwari may kinakausap na barkada, "pare, nandito nako sa convenience, ano ba yung pinapabili mo?" tas magpopose sandali titingin sa kahera, sabay sabi"ahh gago, condom nanaman, hahaha, ilan ba? ano flavor?" tas sesenyas sa kahera na kunwari cool sya at gago yung kausap nya. okay na sana, kapanipaniwala na sana, magbabayad na lang sya at exit na , pero biglang totoong magriring ang cellphone, so ayun patay mali na lang. bayad sabay alis. i silent kasi ng di mabuking.

mas mainam itong gawin ng may shades or bonnet. mas madali magtago at lumayo.

atrasado pa rin ang ating bansa, kahit anong pilit nating magpacool, hindi pa rin natin kaya bumili ng condom ng lantaran na mistulang bumibli tayo ng juicy fruit o yosi sa kalye.

may sukatan na ako ngayon sa pagiging maunlad ng bansa, ito ay kung kaya na sagutin ng mga vendo machine ang mga necessity natin sa buhay. tulad ng tubig, pagkain, toothbrush at higit sa lahat CONDOM!

-darkmau

MALAYA!

kubeta

Monday, November 19th, 2007

may bahay ba na walang kubeta? meron, pero lahat gumagawa ng paraan upang magkaroon ng kubeta. merong bahay na walang kwarto, o kusina, pero walang bahay na walang kubeta.

kadalasan ang mga pinaka nakakadiri na bagay sa mundo ay ang mga bagay na hindi natin puedeng malimutan.

madalas noong highschool, sa mga term papers at sa essay tests madalas magtanong kung ano ang daw ang mga bagay na sobrang nagpapasaya sa atin? madalas kong sagot noon eh pamilya, laruan, bulalakaw, si magmaman, si batman, ang nanay kong balikbayan, ang aso naming parang laughing hayeena, yung kapitbahay namin na bading na nagtatatrabaho sa military barracks, at kiamoy. pero sa takbo ng panahon, naisip ko yung mga panahon na nasira ang tiyan ko, o yung sobrang najijingle balls na ako, or kung nasusuka na ako, o yung gusto ko lang magbasa ng text message mag isa… kubeta… wala nang mas masayang pakiramdam pag umabot ka sa kubeta nang hindi mo pa naiiputan ang salwal mo.

nakapunta na ako sa ibang palasyo na natayo nung medieval ages, napasok ko na rin yung kwarto noon ng mga royal blood, grabe, kahit noon eh, specific na pala talaga na magkaroon ng kubeta. kahit na minsan ang disenyo ng kanilang kubeta eh sobrang weird, dahil yung butas eh diretso na sa labas and take note kitang kita mo yung labas. parang bintana na ginawang inidoro.

umabot na rin ako sa mga liblib na pook na rural, kung saan ang mga bahay  ay sawali, at kung minsan puro butas pa ito. pero resourceful at mga tato sa rural, basta necessity, provided yan…at may kubeta. although more of a jungle setting yung kubetang yun. parang kanta ng eheads dati sa alkohol "CR MO BUONG MUNDO".

no offense, pero bakit ba kubeta ang napili kong isulat, simple lang ang sagot. gusto ko lang ibalik ulit yung punto na medyo nalimutan na natin, na lahat sa mundo pantay pantay. walang mahirap at walang mayaman, pare pareho tayong humihinga at kumakain. sana naman itrato natin ng pantay, lalo na se serbisyong gobyerno, o maging sa mga malls o sa jeep. lahat tayo tao.

mahirap man o mayaman, alalahanin mo, lahat tayo ay tumatae.

-darkmau

malaya!