greener pasture

sa grade one madalas nagsisimula na itanong sa atin kung ano ang gusto maging paglaki. madalas na mga sagot ay abogado, engineer, doktor, at nurse. sa iba  popular answer din ang pulis, military, artista, at siempre PRESIDENTE.

noon, palagi kasali sa lecture ng good moral and right conduct na importante na may matapos ang isang tao. importante ang diploma upan maabot ang mga pangarap.  hindi bat sa wowowee palagi sinasabi ng mga contestants na sana makatapos sila ng pag aaral or mapatapos nila ang kanilang mga anak sa pag aaral upang maabot ang kanilang pangarap. tapos pag hindi maganda ang pag deliver ng lines ng tao at hindi sya masyado kwela walang dagdag na perang ibibigay si willie. yun ang entertainment.

balik tayo sa topic, ang edukasyon daw ay kayamanan na kailanman hindi mananakaw sa atin. totoo, ngayon naniniwala na ako na ang edukasyon ay kayamanan, lumingon sa mga university belts, at maging sa mga colleges at primary schools, naghihirap ba sila? taon taon na lang tuition fee increase diba? aminin!

pero kidding aside, habang dumadami ang mga bata na nagaaral, at dumadami ang mga call centers, eh hindi pa rin tayo umaangat? padami na ng padami ang mga professional na nagiging nurse, at padami ng padami ang kumakanta ng "GUSTO NAMING MAG ABROAD!". wala na yatang, gusto maging dakila at sabihin na "mahal ko ang PILIPINAS at ito ay iaahon ko". wala pa akong naririnig na nagsabi non, marahil ay hindi pa niya nafefeel ang need na sabihin yun, kaya hindi pa sya nagpaparamdam, o marahil nawithdraw siya ng tatay niya kaya hindi pa siya nagagawa.

ano nga ba ang meron sa abroad? madami pare! may vendo machine ng condom sa abroad! yippee… joke lang. magandang buhay ang nagaabang "daw" sa abroad. marahil sa abroad tumutubo yung GREENER PASTURE. paano ba naman kasi sa atin may mga green pasture nga pero nilaland grab naman ng mga  POLITIKO at mayayaman(hindi ko nilalahat, pero karamihan sa kanila kabilang dito).

maraming oppurtunities sa abroad, maraming panganib, maraming adventures, kumbaga the possibilities are endless! pero sa pagpatos sa tawag ng labas, ay sukli naman ang mahigit na sakripisyo. maraming pamilya ang nasira dahil sa oppurtunities nato, maraming tao ang nagbago sa pangrap nato, at ang iba ay naging transvestite na.

iisa lang daw ang nagtulak sa lahat magabroad. dahil daw wala nang pag asa ang pilipinas. malamang tama sila, paano ba naman kasi, lahat ng tao sa atin hindi naiintindihan ang salitang hustisya. basta makakalamang, gagawin natin.  hindi bat sa mall o kahit sa anong lugar palaging may VIP, basta dumating si congressman  o mayor sila ang inuuna natin? baka nalilimutan natin na ang mga pinakamalalking TAX EVADER eh etong mga TYCOON at mayayaman na politiko. hindi ba tayo nakapag isip na maraming negosyo kapag nakaupo ka sa pwesto? kaya patuloy na dumadami ang gustong mag artista, upang maging politiko.

minsan tinanong ako ng dentista ko kung ano ba daw ang puedeng maging solusyon sa problema ng pilipinas? sumagot ang tatay kong excited "REVOLUTION!" umiling ako at inalis ang bulak sa aking bibig, sabi ko "justice".  kapag natuto tayong ibigay ang tama sa lahat ng tao, pasasaan ba at magkakaroon din tayo ng pagbabago. pero siempre hindi naman adik ang mga tao at biglang maging posessed angel at ipamigay ang kanilang lupa at magbayad ng tamang tax. at lalong hindi adik ang mga taong nasa gobyerno para aminin ang kanilang kasalanan at gawin ang tama, malamang wala nang matira sa gobyerno dahil lahat namatay sa kahihiyan.

mahaba na ang nasusulat ko, pero malamang di mo pa rin nababasa ang punto ko. kelan ka ba huli gumawa ng tama para sa kapwa mo pilipino? ipasa mo sa iba, baka sakali may magbago sa ating mga pananaw.  wala sa US, Middle East at Europe ang greener pasture, nasa Pilipinas ang problema, doon tayo magsimula. Hayaan mo at pabalik na rin ako, nagising na ako, eh ikaw?

-darkmau

MALAYA!

Leave a Reply