kubeta
may bahay ba na walang kubeta? meron, pero lahat gumagawa ng paraan upang magkaroon ng kubeta. merong bahay na walang kwarto, o kusina, pero walang bahay na walang kubeta.
kadalasan ang mga pinaka nakakadiri na bagay sa mundo ay ang mga bagay na hindi natin puedeng malimutan.
madalas noong highschool, sa mga term papers at sa essay tests madalas magtanong kung ano ang daw ang mga bagay na sobrang nagpapasaya sa atin? madalas kong sagot noon eh pamilya, laruan, bulalakaw, si magmaman, si batman, ang nanay kong balikbayan, ang aso naming parang laughing hayeena, yung kapitbahay namin na bading na nagtatatrabaho sa military barracks, at kiamoy. pero sa takbo ng panahon, naisip ko yung mga panahon na nasira ang tiyan ko, o yung sobrang najijingle balls na ako, or kung nasusuka na ako, o yung gusto ko lang magbasa ng text message mag isa… kubeta… wala nang mas masayang pakiramdam pag umabot ka sa kubeta nang hindi mo pa naiiputan ang salwal mo.
nakapunta na ako sa ibang palasyo na natayo nung medieval ages, napasok ko na rin yung kwarto noon ng mga royal blood, grabe, kahit noon eh, specific na pala talaga na magkaroon ng kubeta. kahit na minsan ang disenyo ng kanilang kubeta eh sobrang weird, dahil yung butas eh diretso na sa labas and take note kitang kita mo yung labas. parang bintana na ginawang inidoro.
umabot na rin ako sa mga liblib na pook na rural, kung saan ang mga bahay ay sawali, at kung minsan puro butas pa ito. pero resourceful at mga tato sa rural, basta necessity, provided yan…at may kubeta. although more of a jungle setting yung kubetang yun. parang kanta ng eheads dati sa alkohol "CR MO BUONG MUNDO".
no offense, pero bakit ba kubeta ang napili kong isulat, simple lang ang sagot. gusto ko lang ibalik ulit yung punto na medyo nalimutan na natin, na lahat sa mundo pantay pantay. walang mahirap at walang mayaman, pare pareho tayong humihinga at kumakain. sana naman itrato natin ng pantay, lalo na se serbisyong gobyerno, o maging sa mga malls o sa jeep. lahat tayo tao.
mahirap man o mayaman, alalahanin mo, lahat tayo ay tumatae.
-darkmau
malaya!