bakit hindi pwede?
maraming bagay ang hindi pwedeng gawin dahil bawal. maraming bagay na nagiging bawal dahil hindi na angkop sa kung ano ang meron. sa madaling salita may mga bagay na hindi pwede dahil hindi compatible. best example yung pagyoyosi, may mga lugar na controlled ang smoking, or properly regulated, at may mga lugar na totally banned at may mga lugar pa rin na smoke anywhere ang sistema.
pero mali nga ba kung gagawin ang isang bagay na bawal? honest answer… hindi ko alam, instinct na lang siguro yan or freewill, madalas lang kasi manermon ang teacher ko sa values ed nung hi skul eh. tapos sa college naman puro unconventional ideas ang natutunan ko. pero sabi nila diba, masarap gawin ang bawal, pero bakit nga ba?
actually para sa akin, basic ang sagot, biblical pa kamo. mahilig tayo sa temptasyon, mahilig tayo ichallenge ang mga bagay na nagbibigay sa atin ng limitasyon, kaya nga siguro marami ang nagpapalit ng religion na parang nagpapalit lang cellphone. dahil sa free will na yan, nalalagay tayo sa mga bagay na alanganin.
pero pag hindi naman natin chinallenge yung bawal, hindi rin naman natin masasatisfy yung curiousity natin sa bagay na yun. malas na lang din pag nagustuhan natin yung curiousity na yun. maraming bagay sa mundo na hindi natin alam, at gusto nating malaman. at pag nalaman natin, tatlong bagay lang ang pwedeng mangyari. una masira tayo, pangalawa mapabuti tayo, o third para sa mga insensitive eh maging steady or no reaction.
may nagsabi sa akin na ang pinakatotoong bagay daw sa mundo eh yung nafefeel ng isang tao. at mas totoo pa daw to sa mga bagay na ating pinipili. marahil tama siya, dahil may mga bawal na sa isip lang natin malalaman na masarap suwayin, pero sa end point gagawin din natin yung tama. pero in our mind nagawa na natin yung bawal.
so sa lagay na yun, marahil lahat tayo ay naging kriminal sa pagkakaroon ng feeling na suwayin ang bawal, kahit hindi man natin ginawa. dahil ang totoong bagay ay yung mga bagay na ating naramdaman.
maraming bawal sa mundo, maraming bagay ang hindi madaling unawaain, may mga bagay na nangyayari kahit hindi man natin isipin, hindi mawawala. sa huli ang lahat ng bagay ay magtatalosa punto ng pag iisip at sa aktwal na paggawa.
malaya!
darkmau
December 18th, 2007 at 7:46 pm
“The only way to get rid of a temptation is to yield it. Resist it, and your soul grows sick with longing for the things it has forbidden to itself.”
-Oscar Wilde