1 2 3 treatement
Thursday, February 21st, 2008i am counting, until i can give up on what i am feeling.
until i feel no more eerie thing,
until i have no more feeling.
until i can stop seeing…
your shit face beside her…smiling…asshole!
i am counting, until i can give up on what i am feeling.
until i feel no more eerie thing,
until i have no more feeling.
until i can stop seeing…
your shit face beside her…smiling…asshole!
i’ve been itching to write about this comment made by a friend. she told me why do i bother to write in the friendster blog, nobody is interested to read anyway? whoa, with that question, i was like, surprised, because quoting her and calling her my friend would be a mismatch. she doesnt really read my postings. but i don’t care.
writing is my outlet, and i do not mind if people don’t read what i post. it’s my life anyway, so if you can’t take my logic then buzz off. i do not have to please people just because they like the topics i write, i am not here to write for your pleasure.
i don’t really care if i am not an excellent writer, i don’t have to be one. being the best does not prove so much about yourself, in the end, your body will decay, and you will end up like any other corpse.
the comments left on my blogs doesnt say much of what kind of person i am, some people may agree with me, or disagree with me. but at the end of the day, we all live to die, but along that path we see things. sometimes its not all about the destination, its more of the journey.
your earnings wont say much of how you are, but on how you get to your earnings would say what kind of person you are. some people are born lucky, and some people are just hardworking….beyond that there is no unfortunate people, we all are capable.
if we are made unfortunate, then trees would have not been made, there will be no clouds, no moon, no sun, no stars, no things to symbolize hope. why do we always look up, when sometimes the best things happen when we are looking down.
blabber all i want, and scribble as far as my thoughts and fingers would allow me. i can be happy, sad, angry, dead, in love, and more. it doesnt matter, life is just a matter of opinions anyway.
darkmau
MALAYA!
-if you have read this, thanks-
dearest kupido,
ako ay isang binatang nag aantay ng iyong palaso. tatlumpong taon na ako,at madalas ang hobby ko magday dream kay juliet na naipit ata sa trapik.
ilang beses na rin ako sumubok na magkaron ng nobya, ang first try ko nga was nung grade one ako. teacher sya at ako ang kanyang pet, nakaupo ako sa row four pero i know love na love niya ako, pero di ko sya masyado type, bukod sa palagi syang nangungurot at mahilig magtapon ng chalk at eraser, mahilig pa syang magbenta ng tocino at kropek. kaya hindi kami nagclick, kaya nung sumunod na school year nagdecide ang parents ko na magmove kami sa ibang lugar, kaya nauwi sa stalemate ang story namin.
pero nung grade four ako sabi ng guidance conselor ko, illusion ko lang daw na naging girlfriend ko yung teacher ko nung grade one, kasi daw bata pa ako nun…at kahit na palagi akong tinatawag na "ga" nung teacher na yun di daw meaning nun naging kami… after all these years narealize ko, tama ang guidance counselor ko, yung "ga" pala expression lang ng teacher ko dahil galing syang quezon, at yun talaga ang accent nya… at kadalasan yung "ga" niya may kasunod na "go".
pero nung mag high school ako, nameet ko ang si dalia, mas matanda si dalia sa akin ng dalawang taon, first year ako third year na sya, at tuwing sabado maaga akong pumupunta sa skul para makita siyang magpractice sa kanilang volleyball. varsity kasi siya, sikat sya na player sa aming school, kaso hindi kami manalo sa mga competition, palagi kasi high blood ang kanilang coach, at mas madalas matechnical ang team namin dahil sa pananapok ng players. at marami ring beses na may walk out na nangyayari sa court kaya na dedefault ang school team namin.
pero grabe, sobrang crush ko si dalia, slash ang hair nya, malusog ang kanyang dibdib, at makinis ang kanyang balat. madalas ko siyang binabangga sa canteen, at madalas din ako nabubuhusan ng kanyang juice tuwing ginagawa ko to. pero kahit nasasabon ako sa bahay dahil nauubos ang aming chlorine sa pagpapaputi ng aking uniform ay ayos lang. isa lang alam ko, malakas ang tama ko kay dalia.
prom nila non, at naglakas loob ako magbigay ng bulaklak, grabe ang heaven feeling, akala ko noon kupido, yun na yung palaso mo, kasi tinanggap ni dalia yung flowers. sabay sabi salamat. pero nung gabi ding yun nasira ang aking walang kamuwang muwang na pagkatao.
inantay ko siya hanggang matapos ang kanilang prom, ready ako, may gel ang buhok kong spikes at ilang pakete ng judge gum para iwas bad breath, at namemorize ko na rin kung ano ang puede ko sabihin. pero nung lumabas sya kasama niya si annie, magkahawak ang kanilang kamay, at nang papalapit na ako sa kinatatayuan nila, nakita ko yung bulaklak ko na binigay kay dalia, hawak na ni annie… at nung lumiko sila sa madilim na sulok, naghalikan sila… at don ko naintindihan ang ibig sabihin ng smooching. masakit pero it was really hot.
pagkatapos nun matagal din ako nagpahinga sa pagkakaroon ng lovelife. naalala ko nga nung pagkagraduate ko nung college sinulatan din kita, at sabi ko sa iyo, wag ka na mag abala sa pagpana sa akin, dahil di na ako interesado. napag alaman ko kasi masarap ang pagkain sa semenaryo. pero di rin ako natuloy, kasi sabi nila dapat daw may calling ang vocation na yun, eh wala nga akong marinig kahit tawag sa engkanto, kaya nagpatuloy na lang ako sa normal kong buhay.
pero recently mga five years ago lang, nameet ko si jez, mabait si jez, kasama ko siya sa work. pareho kaming graduate ng fine arts, mahusay sya sa ilaw at sa mga contemporary arts. hanga ako sa outlook ni jez sa buhay, galing sya sa mayaman na family, half chinese, half spanish ang heritage nya, lahat sila ay may kutis porcelana. okay naman ang umpisa namin, nung una para lang kaming magbarkada, madalas kami sabay kumain pag lunch break, palagi naming pinagdidiskitahan ang evolution ng non traditional, non conformists na mga artist…tulad ni… ay ewan di ko maalala, mas madalas kasi nakatanga lang ako sa mga labi nya habang nagsasalita sya.
unti unti na yata akong nahuhulog, at oo nahulog nga ako. nademote ako from being a senior artist, balik ako ulit sa basic position. tang ina naman kasi palagi ako naiiwan sa cafeteria tuwing lunch time, si jez palagi akong iniiwang nakatanga. pero ayos lang, tinulungan naman ako ni jez na makabalik sa aking dating position. dahil naging boss ko na siya.
sa magazine pala kami nagwowork kupido, baka kasi nalimutan ko imention sa iyo. alam ko naman kahit malawak ang intelligence mo naliligaw ka pa rin, para si santa paminsan minsan. okay balik sa kwento ko, asan na ba ako… ah oo si jez… jezmiyo… walang nangyari, kinasal na sya last year, inimbita nga ako eh, isa ako sa groom’s men. sa kasal na yun lang ako napaluha at naiyak ng sobra. yung napangasawa niya pandak, panot at makapal ang labi.. gwapo pa ako. naisip ko tuloy, yung naging husband niya jackpot, nanalo ng milyon milyon sa lotto, tas si jez nasunugan… ten times. at wala pang work yung lalaki, kaya minsan kupido, nakakapikon ka masyado kang unfair.
pero ngayong magvavalentines nanaman, at 2008 na, sali mo naman ako sa listahan mo. alam kong may shortage ng metal para sa iyong mga arrows, pero sana naman make an exception. pero please lang ha, wag mo ko bibigyan ng kamukha ni… ah basta simple lang, at mamahalin ako ng panghabang buhay. at promise pag natupad yun, igagawa kita ng portrait na ibebenta ko sa iba naming advertisers. win win situation yun para sa atin. kaya sige na naman, isang pana lang, kahit daplis lang basta tumama im sure okay yun.
o sige yun muna, baka sakali mabigyan mo na ako ng pansin.
lubos na umaasa,
freddie nanalo