Archive for July, 2008

Kwentong Siopao

Thursday, July 3rd, 2008

Mahabang kwento kung paano naging Kwentong Siopao ang blogsite, hindi ko rin maintindihan kung paano naging Adobonglife.com yung pangalan ng buong site. Ang alam ko lang, nung tinanong ako ni Dom(sya yung isa pa sa may ari ng site)  kung ano daw ang gusto ko na pangalan ng site ang sagot ko is kwentong Siopao.

So bakit siopao?

QUICK FACTS:

1. Pinaglihi daw ako sa Siopao

2. ANg siopao ay Hindi purong Pilipinong pagkain pero makikita sa kahit saang kanto.

3. Masarap ang Siopao na may itlog(meron akong itlog, or hugis itlog ang ulo ko)

Ayon lang naman ang mga quick facts sa Siopao. Hindi pa full launched ang buong Site, pero gumagana na ang blogsite. Ang theme ng blogs is based on human interest, mainly kahit anong stories about people and people’s experience. Halo halong feelings. Ang main medium na gamit is Tagalog or tagalog english. Sadya ito upang mas makapag network sa mga kababayang Pilipino. Hindi ko  maipapangangako na magiging mahusay ang mga entries ng Siopao, pero eto lang sigurado, pagsisikapan namin na pag husayan ang bawat entry at upang makwento natin sa buong mundo ang mga istorya tungkol sa buhay, pagkabigo, pagmamahal at ang pagmahal ng bilihin.

Open din po ang  site na ito for topics  na gusto niyo mafeature sa siopao. Sana po ay suportahan niyo ang kwentong siopao. Maraming salamat.

http://kwentongsiopao.adobonglife.com/

You can also visit Dom’s blog

http://kubyertos.adobonglife.com/

daRKmau

MALAYA!